Isa akong batugan. Wala ako ginawa buong weekend kundi maglaro, maglaro, at maglaro. Ng ano? Syempre ng Video Games. Yun lang naman hilig ko na laruin eh. Ano kala nyo?
Nung sabado ng umaga, nanood ako ng laro (o kitams, laro pa din) ni Pam sa Chess. Part kasi ito ng Sportsfest namin. Pagkatapos ng event, hulaan nyo ano ginawa namin? Ano pa, eh di naglaro ulet! Galing ng opis, dumerecho kami sa Shangri-la B-Connected para maglaro ng StarCraft (kasi kasama namin si Tito Gary, eh yun ang hilig nya laruin). Ay sus, nakalimutan ko na paano maglaro ng Starcraft, parang 10 million years ago ko pa nalaro ito. Hehehe, hindi pala ako marunong mag-Zerg. Hanggang Terran at Protoss lang ata ang powers ko.
Anyway, after ng Starcraft, naglaro naman kami ng DotA. Pucha na dota yan, nakaka adik!! Haynako ewan ko ba bakit ako gumagastos para dito. Bwiset. Pero wala eh, ika nga nila, "it's in your blood" kahit na feeling ko uber noob ako, sige lang laro lang ng laro. Nakaka-adik eh.
Nung linggo naman, naku buong araw ang nilaan ko para sa Final Fantasy XII. Oo, yung bago sa FF series. Level 21 pa lang ako, 78 levels to go. Nakaka adik rin, syempre RPG kasi (hilig ko din talaga RPG). At pogi pa nung isang character (si Basch), although ewan ko ba ano problema ng Square Enix at ginawa nilang parang bading yun pag tumatakbo. Anyways, bagong style kasi ang ni-implement ng Square sa battle system. Although Turn-Based pa din, may "Diabl0-like" feel sa kanya. Basta, nakaka-adik rin pag nalaro nyo.
O sige, trabaho na naman ang batugan. Teka, kunwari pa ako. Magpepetiks lang ako e.
Tsk.
Sunday, August 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment