It has been raining like hell for the past few days, dahil sa bagyong si Chedeng (napaka pangit naman ng pangalan!!). Last Tuesday night, I arrived at my house at 3AM already kasi sa sobrang lakas ng ulan, nag-tambay muna kami sa 7-11 sa may Guadalupe hangga't tumila ng konti. Pero hindi talaga tumila, kaya ayun, sinugod na lang namin. Pagka-uwi, basang basa sa ulan (reminds you of an Aegis song, eh?). Anyway, yesterday I had to wear shorts while going to the office. Ayoko mabasa yung pantalon, mahirap pa naman labhan yun.
With the weather and all, napaka-gloomy ng mood ng surroundings. Nakakainis rin sa sobrang ulan at hangin, andaming nababasa. Madumi pa naman yung mga daan. Yuck, nag-mix ang ihi, dura, plema, at kung anu-ano pang dumi sa tubig... At nababasa ka nung tubig na yun... Kadiri! The other night, habang nag-tambay kami sa may Citiland Shaw, yung tindero ng Takatak nanginginig sobra. Nakakatakot na nga kasi nakaka-hawa yung nginig nya, at halatang nilalamig sya. Kaso wala naman ako magawa para tulungan sya =(.
Andami rin casualties sa bagyong to. Sa news, marami na naman gumuho na mga lupa, maraming baha, maraming nawalan ng tahanan, maraming nasa evacuation center na lang. Hay... Sana may NOAH para mag-prepare sa amin for the flood. Haha, so bible cliche-ic.
Sana tumigil na tong ulan... nakakatamad bumangon at pumasok eh.
Wednesday, August 8, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment