Sa araw-araw na ginawa ng Dyos, ang MRT ang nakasanayan kong mode of transportation kasi:
1) Mabilis - walang traffic (unless masira yung tren at stranded ka sa isang station);
2) Aircon (although minsan pag sobrang siksik na, wala ka na maramdaman);
3) mura lang - kasing presyo nya lang rin ang bus, minsan mas mura pa;
4) Simple - meaning, hindi ako maliligaw pag sinakyan ko ang MRT;
5) Exercise - antaas kasi ng kelangan mong akyatin, at minsan malayo ang lalakarin mo.
Dahil dito, mas pipiliin kong mag MRT kaysa mag bus o mag jeep o mag taxi lalo na kung nagmamadali ako. Pinaka-efficient way of transpo, at least for me.
Kaso lang, minsan nakakainis talaga ang mga tao dito. Isa-isahin ko kung bakit:
1. Sa bilihan ng ticket/card: Meron mga booth na para sa exact fare (yung express lane), at meron para sa mga hindi. Ang hindi ko maintindihan, andami pa ring tao na pumipila sa exact fare lane, eh buo naman yung pera nila. May nakalagay naman dun na "Exact Fare" lane, at may translation pa ata nito sa Tagalog. Haynaku bakit kaya hindi sila nagbabasa. Minsan ito nagiging dahilan kung bakit bumabagal yung takbo ng linya.
2. Sa pagpasok sa waiting area: Para makapasok ka sa waiting area, kelangan mo ipasok yung card/ticket mo dun sa parang swiping device. Eh syempre, meron directions kung pano gawin yun, na yung butas eh dapat nasa top left. May arrow pa nga eh. Minsan sobrang bagal ng usad ng linya dahil ang mga tao stuck sa pag-swipe ng card nila. Nakakainis na hindi nila binabasa, pasok lang ng pasok, walang paki. Pucha ganito ba ang Pinoy?
3. Sa segregation ng women and children's cart at sa men's cart: Andaming pasimpleng mga lalaki na nakiki-singit sa women's cart!! Pakshet kayo! Alam mo yung kung kelan malapit na magsara yung pinto, saka sila tatakbo sa women's cart tas isisiksik yung sarili nila sa mga babae dun. Eh pucha minsan pawis pawis pa at mabaho. Women and Children's Cart nga eh, wala ba kayong mga utak!? Wag nyo sabihing male-late kayo, kasalanan nyo yun di kayo maaga umalis ng bahay nyo.
4. Sa mga babaeng ayaw gumitna: Pakshet din tong mga to. Anluwag luwag sa gitna, ayaw pumasok dun. Nagsisiksikan at nagtutulakan tuloy ang mga bagong pasok. Bakit kamo ayaw nila pumasok? Eh para mas mabilis maka-baba. Langya, napaka-kupal naman na rason na yan. Wala pakundangan sa ibang tao, puro sarili iniiisip. Eh kung sila kaya yung isa sa mga nakikisiksik para makasakay ng tren, tas meron kups na nakaharang at ayaw gumitna? Kasi naman, konting tiis lang ayaw pa gawin. Puro paganda ng buhay ang iniisip. Ayan tuloy, umuusad ba ang bansa!?
5. Sa mga nakikisingit sa pila para mas mabilis maka-labas ng waiting area: eto kayo (,|,) !!! Takbuhan pa tong mga to eh, kala mo may apocalypse na paparating. Lalong tumatagal kasi kahit saan na lang nakikisiksik sila. Lahat naman nagmamadali eh, hindi lang naman sila. Pero napakakapal ng mukha, sisingit talaga para ma-isahan yung mga nasa likuran. Lagi talaga nilang gusto ng easy way out. Pucha, mga ganitong ugali ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, 3rd world pa din tayo.
Bottom line is, andaming epal sa MRT!!
But the real deal is, mga ganitong tao ang nagiging dahilan kung bakit walang asenso ang bansa. Sa MRT pa nga lang ganito na eh, ano pa kaya sa ibang bagay.
Pakshet!
Thursday, August 9, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment