Haynako, eto na naman ako nagsusulat tungkol sa MRT Mentality ng mga Pinoy. Pano ba naman, kaninang umaga male-late na ako, eh may eps pa sa harap ko na napaka-AWAT!! (Ewan ko ano sa tagalog yun, basta yung nakakainis na antagal na ewan!). Anyway, ganito kasi yun, di ba sa mga MRT station, meron mga escalator? Ano ba ang purpose nun? Hindi ba para mapabilis ang pag-akyat ng isang tao?
Nung nagpunta akong States, ang mga tao dun pag sumasakay ng escalator, umaandar din sila. Meaning, inaakyat rin nila yung hagdan ng escalator. Sa Pinas hindi ganun. Sa Pilipinas, ginagawang elevator ang mga escalator. Meaning, hindi ito isang means para mapabilis ang traffic, kundi isa itong means ng tamad para akyatin ang hagdan. Watdahell!? Oo guilty ako minsan sa ganun, pero naman, sa may gilid lang ako para kung sino gusto umakyat eh pwede makadaan.
Pero sa MRT, hindi lahat ng tao ganun!! Haynaku, kung kelan male-late na ako, putsa ang mga tao ayaw pa magpa-daan!! Sa gitna talaga sila ng escalator naka pwesto, at hindi ako maka-akyat sa steps! Grabe naman, late na ako eh. Kakainis!!! Kelan kaya maiintihan ni Juan dela Cruz na ang Escalator ay HINDI Elevator. Tsk.
BTW, eto pala picture na nakuha ko sa MRT Station. Wala lang, astig yung kuha ko. Walang paki-alamanan!
Tuesday, August 21, 2007
Wednesday, August 15, 2007
Egay Hits Manila
Yesterday, there was a downpour of rain so early in the morning. Nakakatamad bumangon, but still I didn't want to miss a day's work so I got up and took a bath and got ready for work. Damn, anlaki ng payong na dala ko ha, pero paglabas ko ng bahay, basa na agad kalahati ng katawan ko! Pakshet anlakas ng ulan. Pag-apak ko dun sa may kanto palabas ng gate, hanggang ankles na yung tubig. Ayun, basa pantalon at sapatos ko. Umuwi na lang ako at di na pumasok hehe. Buti na lang sa hapon, hindi na ganun kalakas ang ulan at nakapasok na ako.
But at aroundn 5pm, nag release ang company ng announcement na Work is suspended for the day. Hahaha, the irony of it, pumasok pa ako. Eh di ayun, nag-dota na lang kami ng officemates ko. Dota na naman, pakshet na dota na yan.
Oh well, better than going to work anyway. I hate the weather, napaka-gloomy.
Sunday, August 12, 2007
Weekend na Puro Laro!!
Isa akong batugan. Wala ako ginawa buong weekend kundi maglaro, maglaro, at maglaro. Ng ano? Syempre ng Video Games. Yun lang naman hilig ko na laruin eh. Ano kala nyo?
Nung sabado ng umaga, nanood ako ng laro (o kitams, laro pa din) ni Pam sa Chess. Part kasi ito ng Sportsfest namin. Pagkatapos ng event, hulaan nyo ano ginawa namin? Ano pa, eh di naglaro ulet! Galing ng opis, dumerecho kami sa Shangri-la B-Connected para maglaro ng StarCraft (kasi kasama namin si Tito Gary, eh yun ang hilig nya laruin). Ay sus, nakalimutan ko na paano maglaro ng Starcraft, parang 10 million years ago ko pa nalaro ito. Hehehe, hindi pala ako marunong mag-Zerg. Hanggang Terran at Protoss lang ata ang powers ko.
Anyway, after ng Starcraft, naglaro naman kami ng DotA. Pucha na dota yan, nakaka adik!! Haynako ewan ko ba bakit ako gumagastos para dito. Bwiset. Pero wala eh, ika nga nila, "it's in your blood" kahit na feeling ko uber noob ako, sige lang laro lang ng laro. Nakaka-adik eh.
Nung linggo naman, naku buong araw ang nilaan ko para sa Final Fantasy XII. Oo, yung bago sa FF series. Level 21 pa lang ako, 78 levels to go. Nakaka adik rin, syempre RPG kasi (hilig ko din talaga RPG). At pogi pa nung isang character (si Basch), although ewan ko ba ano problema ng Square Enix at ginawa nilang parang bading yun pag tumatakbo. Anyways, bagong style kasi ang ni-implement ng Square sa battle system. Although Turn-Based pa din, may "Diabl0-like" feel sa kanya. Basta, nakaka-adik rin pag nalaro nyo.
O sige, trabaho na naman ang batugan. Teka, kunwari pa ako. Magpepetiks lang ako e.
Tsk.

Thursday, August 9, 2007
The MRT Mentality
Sa araw-araw na ginawa ng Dyos, ang MRT ang nakasanayan kong mode of transportation kasi:
1) Mabilis - walang traffic (unless masira yung tren at stranded ka sa isang station);
2) Aircon (although minsan pag sobrang siksik na, wala ka na maramdaman);
3) mura lang - kasing presyo nya lang rin ang bus, minsan mas mura pa;
4) Simple - meaning, hindi ako maliligaw pag sinakyan ko ang MRT;
5) Exercise - antaas kasi ng kelangan mong akyatin, at minsan malayo ang lalakarin mo.
Dahil dito, mas pipiliin kong mag MRT kaysa mag bus o mag jeep o mag taxi lalo na kung nagmamadali ako. Pinaka-efficient way of transpo, at least for me.
Kaso lang, minsan nakakainis talaga ang mga tao dito. Isa-isahin ko kung bakit:
1. Sa bilihan ng ticket/card: Meron mga booth na para sa exact fare (yung express lane), at meron para sa mga hindi. Ang hindi ko maintindihan, andami pa ring tao na pumipila sa exact fare lane, eh buo naman yung pera nila. May nakalagay naman dun na "Exact Fare" lane, at may translation pa ata nito sa Tagalog. Haynaku bakit kaya hindi sila nagbabasa. Minsan ito nagiging dahilan kung bakit bumabagal yung takbo ng linya.
2. Sa pagpasok sa waiting area: Para makapasok ka sa waiting area, kelangan mo ipasok yung card/ticket mo dun sa parang swiping device. Eh syempre, meron directions kung pano gawin yun, na yung butas eh dapat nasa top left. May arrow pa nga eh. Minsan sobrang bagal ng usad ng linya dahil ang mga tao stuck sa pag-swipe ng card nila. Nakakainis na hindi nila binabasa, pasok lang ng pasok, walang paki. Pucha ganito ba ang Pinoy?
3. Sa segregation ng women and children's cart at sa men's cart: Andaming pasimpleng mga lalaki na nakiki-singit sa women's cart!! Pakshet kayo! Alam mo yung kung kelan malapit na magsara yung pinto, saka sila tatakbo sa women's cart tas isisiksik yung sarili nila sa mga babae dun. Eh pucha minsan pawis pawis pa at mabaho. Women and Children's Cart nga eh, wala ba kayong mga utak!? Wag nyo sabihing male-late kayo, kasalanan nyo yun di kayo maaga umalis ng bahay nyo.
4. Sa mga babaeng ayaw gumitna: Pakshet din tong mga to. Anluwag luwag sa gitna, ayaw pumasok dun. Nagsisiksikan at nagtutulakan tuloy ang mga bagong pasok. Bakit kamo ayaw nila pumasok? Eh para mas mabilis maka-baba. Langya, napaka-kupal naman na rason na yan. Wala pakundangan sa ibang tao, puro sarili iniiisip. Eh kung sila kaya yung isa sa mga nakikisiksik para makasakay ng tren, tas meron kups na nakaharang at ayaw gumitna? Kasi naman, konting tiis lang ayaw pa gawin. Puro paganda ng buhay ang iniisip. Ayan tuloy, umuusad ba ang bansa!?
5. Sa mga nakikisingit sa pila para mas mabilis maka-labas ng waiting area: eto kayo (,|,) !!! Takbuhan pa tong mga to eh, kala mo may apocalypse na paparating. Lalong tumatagal kasi kahit saan na lang nakikisiksik sila. Lahat naman nagmamadali eh, hindi lang naman sila. Pero napakakapal ng mukha, sisingit talaga para ma-isahan yung mga nasa likuran. Lagi talaga nilang gusto ng easy way out. Pucha, mga ganitong ugali ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, 3rd world pa din tayo.
Bottom line is, andaming epal sa MRT!!
But the real deal is, mga ganitong tao ang nagiging dahilan kung bakit walang asenso ang bansa. Sa MRT pa nga lang ganito na eh, ano pa kaya sa ibang bagay.
Pakshet!

Wednesday, August 8, 2007
Rainy Days in Manila
It has been raining like hell for the past few days, dahil sa bagyong si Chedeng (napaka pangit naman ng pangalan!!). Last Tuesday night, I arrived at my house at 3AM already kasi sa sobrang lakas ng ulan, nag-tambay muna kami sa 7-11 sa may Guadalupe hangga't tumila ng konti. Pero hindi talaga tumila, kaya ayun, sinugod na lang namin. Pagka-uwi, basang basa sa ulan (reminds you of an Aegis song, eh?). Anyway, yesterday I had to wear shorts while going to the office. Ayoko mabasa yung pantalon, mahirap pa naman labhan yun.
With the weather and all, napaka-gloomy ng mood ng surroundings. Nakakainis rin sa sobrang ulan at hangin, andaming nababasa. Madumi pa naman yung mga daan. Yuck, nag-mix ang ihi, dura, plema, at kung anu-ano pang dumi sa tubig... At nababasa ka nung tubig na yun... Kadiri! The other night, habang nag-tambay kami sa may Citiland Shaw, yung tindero ng Takatak nanginginig sobra. Nakakatakot na nga kasi nakaka-hawa yung nginig nya, at halatang nilalamig sya. Kaso wala naman ako magawa para tulungan sya =(.
Andami rin casualties sa bagyong to. Sa news, marami na naman gumuho na mga lupa, maraming baha, maraming nawalan ng tahanan, maraming nasa evacuation center na lang. Hay... Sana may NOAH para mag-prepare sa amin for the flood. Haha, so bible cliche-ic.
Sana tumigil na tong ulan... nakakatamad bumangon at pumasok eh.

Tuesday, August 7, 2007
How to draw a car in MS Paint
ASTIG!!
Thanks Tito Greg for showing this to me.
Grabe, nabilib ako sa taong to. Antyaga, gumawa ng kotse sa MS Paint! MS Paint yun ha, yung (in my opinion) pinaka-banu na image tool sa buong mundo. Pero astig ang taong ito, nakabuo sya ng kotse! Enjoy the vid!

Thursday, August 2, 2007
Top 5 Evil Ways Para sabihin sa Lalaki Na Ayaw mo Sa Kanya
1. Magpalibre ka ng dalawang Ice Cream, tapos ibigay mo sa iba yung isa.
O di ba, napagastos mo na sya, di mo pa pinakain. Siguro mage-gets na nya na piniperahan mo lang sya.
2. Yayain mo makipagdate, tapos wag mo siputin. Pag tinanong ka, sabihin mo "Ah, kasi niyaya ako ni kumain eh kaya ayun."
Pinaghintay mo ng matagal, pinag-alala mo, tapos pina-asa mong makikipagdate ka nga. Tapos di mo naman sisiputin. Siguro naman makakahalata na syang ayaw mo sa kanya.
3. Magpa-piktyur kayong dalawa, tapos paglabas ng picture, i-crop mo at tanggalin mo sya sa eksena. Sabihin mo pumapangit yung picture e.
Ayaw mo nga sya makasama sa letrato, paano pa kaya sa totoong buhay.
4. Tawagan mo sa telepono. Tapos tulugan mo.
Wala lang, nang aasar ka lang. Ibig sabihin, boring syang tao kasi ginagawa mo syang taga-tulog mo.
5. Pumayag ka makipagdate sa kanya. Pagkatapos wag ka magparamdam: wag mag text, tawag, wag magpakita. Kunwari hindi ka na nag eexist sa kanya.
In other words, lumayo ka na sa kanya hangga't maaari.
O di ba, napagastos mo na sya, di mo pa pinakain. Siguro mage-gets na nya na piniperahan mo lang sya.
2. Yayain mo makipagdate, tapos wag mo siputin. Pag tinanong ka, sabihin mo "Ah, kasi niyaya ako ni
Pinaghintay mo ng matagal, pinag-alala mo, tapos pina-asa mong makikipagdate ka nga. Tapos di mo naman sisiputin. Siguro naman makakahalata na syang ayaw mo sa kanya.
3. Magpa-piktyur kayong dalawa, tapos paglabas ng picture, i-crop mo at tanggalin mo sya sa eksena. Sabihin mo pumapangit yung picture e.
Ayaw mo nga sya makasama sa letrato, paano pa kaya sa totoong buhay.
4. Tawagan mo sa telepono. Tapos tulugan mo.
Wala lang, nang aasar ka lang. Ibig sabihin, boring syang tao kasi ginagawa mo syang taga-tulog mo.
5. Pumayag ka makipagdate sa kanya. Pagkatapos wag ka magparamdam: wag mag text, tawag, wag magpakita. Kunwari hindi ka na nag eexist sa kanya.
In other words, lumayo ka na sa kanya hangga't maaari.
Subscribe to:
Posts (Atom)