Thursday, September 20, 2007

Ulan = Baha = Basura

Ang isa sa mga kainakainisan ko tuwing umuulan eh ang lumusob sa mga lugar na may baha o kahit talsik talsik ng tubig lang, lalo na tuwing papunta akong opis or pauwi. Take note, yung piktyur eh yan ang dinadaanan ko lagi. Sa araw araw ba namang nilalakad ko yun, nakikita ko kung gaano kadumi ang dinadaanan ko -- may mga dura, mga plema, mga basura, mga suka (!!) ng lasing, mga natapong mga pagkain, at kung anu-ano pang madumi na nakakalat sa daan. Buti pa kung hindi basa ang daan kasi nakikita ko ang mga dumi at pwede ko itong i-avoid. Pero ngayong umuulan, wala akong choice kundi maglakad sa basang daan na kung saan naghalo halo na ang tubig ulan at mga basura. Naiinis ako lalo na kapag naka-tsinelas lang ako kasi nababasa ang paa ko, at malamang lahat ng bacteria e nadikit na sa mga kuko ko. Eh kadalasan pa naman naka-tsinelas ako kasi ayoko masira ang sapatos ko (pucha vain ito, mare). Kaya pagdating ko sa opisina o sa bahay, todo linis at alcohol ako agad sa paa, kasi kung hindi eh malamang pugad na to ng mga dura, plema, kulangot at suka. Kadirs naman o!! Bat pa kasi nila kelangan magkalat sa daan!!!

2 comments:

Leo Adhemar Tan said...

Tip: Wellingtons though I can't imagine you ever wearing them. ;)

StarScream said...

Hahahaha!! You wouldn't catch me wearing those ever!!