Nung isang araw, para akong baliw paikot ikot sa Guadalupe MRT Station kakahingi ng tulong sa mga gwardya dahil nanakawan ako ng celfone. Ang nakakainis lang dito kasi ni isa sa kanila, walang inoffer na tulong, at inichepwera lang ako. "Sori wala na kami magagawa dun," sabi nung isa. "Hindi pwede yun kasi baka magalit yung mga pasahero," sabi naman nung isa nung kinausap ko kung pwede i-inspect naman yung mga palabas na pasahero kasi baka isa sa kanila ang salarin. "Wala na yun, wala tayo magagawa dyan," sabi naman nung tang inang mukhang manager sa ticketing booth. Wala sila nagawa, isang biktima ng pagnanakaw ang humihingi ng tulong pero napaka-walang kwenta ng tinatawag nilang 'security'.
Ano nga ba ang ginagawa ng security system sa MRT? Taga-inspect ng mga bagahe ng mga pasaherong papasok ng waiting area? Eh chismoso at chismosa ang mga guard nila doon. Nag-iinspect kunwari pero hindi naman nakatingin sa ini-inspect nila. San sila naka-tingin? Dun sa ka-chikahan o minsan kalandi-an nilang guard (Lalo na kung babae yung guard). Kung may balak ka magdala ng bomba sa MRT, wag ka matakot kasi sigurado makakalusot ka dun.
Mga security guard din daw nagbabantay sa segregation ng lalaki at babae. Pero asan nga ba sila? Kung hindi nagche-check out sa mga babaeng naghihintay sa ladies waiting area, eh ayun nagchichika sa mga janitor na nagmo-mop ng sahig. Tang inang mga manyak yun. Ang lagkit makatingin lalo na pag may babaeng maporma at nagpapawis habang naghihintay. Kaya andami nakakasingit na lalaki sa first cart e.
Balang araw, may mabibiktima rin ulit dyan sa MRT. Sana lang may magawa na sila.
Thursday, September 6, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Amo na ang ginasiling nila pats, nga ang law enforcer pa ang nahadlok mag enforce sang layi. How sad...
Post a Comment